Home HOME BANNER STORY Witness na Davao accountant, naging partner ng kompanyang nag-audit sa VP-linked companies

Witness na Davao accountant, naging partner ng kompanyang nag-audit sa VP-linked companies

6
0

MANILA, Philippines – Naging partner si Davao City accountant Vingelin Bajan ng accounting firm na nag-audit ng mga kompanyang iniuugnay kay Vice President Sara Duterte.

Sa cross examination kay Bajan nitong Martes, Nobyembre 10, tinanong ni private prosecutor Atty. Mae Divinagracia kung ito ba ay partner sa Ampil, Elises, Ciudadano & Co. – ngayon ay Elises & Ciudadano na isang public accounting firm.

“Ang pagkaalala ko po ay first job ko po sa Ciudadano,” sagot ni Bajan.

Dito, ipinakita ng prosekusyon ang articles of partnership ng Ampil, Elises, Ciudadano & Co., rehistrado noong 2003, bago kumpirmahin ni Bajan na kabilang siya sa undersigned partners.

Kinompronta ni Divinagracia si Bajan ng General Information Sheets (GIS) ng Duterte-linked companies partikular ang GenCorp Industries Inc., Metro City Chow, Town Timesquare Bee Corp., City Hall King Chow, Chinese Gen Bee, Carpio Lawyer, Davao New Royal Taipan, at Great Jolly Times Food Corp.

Ang Elises & Ciudadano ang external auditor ng mga kompanya mula 2019 na nakalista sa GIS, ngunit ipinunto ni defense counsel Lindon Miguel Bacquel na si Bajan ay hindi competent para tumestigo sa naturang usapin dahil siya ay umalis na sa kompanya bago pa nito.

Noong 2015, umalis si Bajan mula sa accounting firm.

Siya ay itinalagang city accountant noong 2016 nang si Duterte ay mayor pa ng Davao.

Ani Bajan, hindi niya alam ang external audit na ginawa ng firm matapos siyang umalis. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here