Home NATIONWIDE Kapitan ng Matina Crossing nilaglag bilang witness ng defense team ni VP...

Kapitan ng Matina Crossing nilaglag bilang witness ng defense team ni VP Sara

14
0

MANILA, Philippines – Inalis ng defense panel ni Vice President Sara Duterte bilang witness si Matina Crossing Barangay Capt. Cindy Colina.

Sakop sana ng testimonya ni Colina ang umano’y mga dokumentong may kaugnayan sa official name ng Brgy. Matina Crossing sa Talomo, Davao City.

“We will no longer present the fifth witness in our list, Cindy Colina, the Punong Barangay of Matina Crossing… This is without prejudice to any subsequent motion that we will make on the court’s taking judicial notice of the geographical divisions with respect to the subject barangays,” sinabi ni lead defense counsel Atty. Sheila Sison sa korte.

Matatandaan na nakalista ang ari-arian na pagmamay-ari ng asawa ni Duterte na si Atty. Manases Carpio sa statement of assets, liabilities, and net worth ng Bise Presidente na matatagpuan sa Brgy. 74-A, ngunit sa tax declaration ay Matina Crossing ang nakalagay dito.

Ito ay kabilang sa mga ari-arian na sinasabi ng prosekusyon na maling idineklara ni Duterte.

Sa kabila nito, naipaliwanag na ng unang witness ng depensa na si Davao City assessor Engr. Jaime Adalin na ang 74-A at Matina Crossing ay magkaparehong barangay. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here