Home NATIONWIDE Davao city accountant sinita ni Tulfo sa ‘di pagsagot sa tanong ng...

Davao city accountant sinita ni Tulfo sa ‘di pagsagot sa tanong ng ilang senator-judges

13
0

MANILA, Philippines – Sinita ni Senator Raffy Tulfo ang witness ng depensa na si Davao City accountant Vingelin Bajan sa pagiging “evasive.”

Ito ay matapos ang matagal na pagsagot ng witness na tukuyin ang kanyang pirma, at ilang minutong pagbuklat ng mga dokumento kung saan siya kinokompronta.

“Alam mo, natatakot ako para sa’yo. Kasi, napakasimple lang ng katanungan and you’re very evasive, hindi mo masagot-sagot. ‘Yung katanungan lang kung signature mo ‘yun o hindi? Hindi mo masagot-sagot, paano pa kaya mamaya? I’m sure marami pang hard questions,” sinabi ni Tulfo nitong Martes, Nobyembre 10.

“Baka ma-contempt ka, sana huwag. Kami, napipikon na. You’ve been very evasive to a very simple question. Patingin-tingin ka pa sa mga pages, nandyan na sa harap mo ‘yung signature mo,” dagdag niya.

“Sorry po, your honor, gina-refresh ko lang po kasi matagal na po ito,” sagot naman ni Bajan.

“Ma’am, ako alam ko kung signature ko sa biglang tingin ko,” pagsupalpal naman ni Tulfo kaugnay nito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here