Manila, Philippines – Magkakaroon na din ng theatre version ang pelikulang Sunshine, ang pelikulang pinagbibidahan ni Maris Racal which earned her a couple of Best Actress trophies.
The exciting part is that ito ang stage debut ni Maris–kung saan si Antoinette Jadaone din ang magdidirek.
Mismong ang lady director ang nagtsika nito sa podcast nila ni JP Habac.
Ayon sa direktor ng naturang highly acclaimed film: “Nag-yes na si Maris sa stage debut niya!”
Bale ba, join din sa cast ng play ang ilang cast members ng pelikula tulad nina Xyriel Manabat at Elijah Canlas.
Ito din ang stage debut ni Xyriel.
Tulad ng dapat asahan, na-excite bigla ang mga tagahanga ni Maris: “Hala! Excited na ako sa Sunshine on stage through immersive choose-your-own adventure!”
“Kakaibaaa, Besss!”
Samantala, viral uli ang sighting kay Maris kasama ang mystery afam believed to be her boyfriend.
Sa airport uli ‘yon, with the netizens saying na may hawig ang guy sa ex-dyowa niyang si Anthony Jennings.