Home NATIONWIDE Bahagi ng desisyon ng SC sa BSKE postponement pinababaliktad ng election lawyer

Bahagi ng desisyon ng SC sa BSKE postponement pinababaliktad ng election lawyer

1
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ni election lawyer Romulo B. Macalintal na kinikilala niya ang kapangyarihan ng Kongreso na gawing limang taon ang termino ng mga opisyal ng barangay at SK, ngunit hindi ito dapat gamitin para pahabain ang panunungkulan ng mga kasalukuyang opisyal nang walang halalan.

Kasabay nito, naghain si Macalintal ng motion for partial reconsideration kung saan pinababaliktad ang bahagi ng desisyon nitong kumikilala sa legalidad ng pagpapaliban sa BSKE hanggang Nobyembre 2028.

Iginiit ni Macalintal na labag sa Konstitusyon ang pagpapaliban sa halalang orihinal na nakatakda sa Nobyembre 2, 2026, dahil wala umanong sapat na dahilan para rito.

Hiniling din ng abogado na atasan ang Comelec na idaos ang halalan sa pinakamalapit na posibleng petsa.

Kasabay nito, humiling si Macalintal ng oral arguments bago resolbahin ng Korte Suprema ang kaniyang mosyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here