MANILA, Philippines – Magdedeploy ng karagdagang mga bus ang Department of Transportation (DOTr) sa kahabaan ng EDSA Busway simula Huwebes, Nobyembre 12.
Ayon kay Transportation secretary Vince Dizon, 50 bus ang ipapakalat sa busway bilang paghahanda sa ASEAN Summit at para matugunan ang bilang ng mga pasahero sa panahon ng Christmas season.
Inaasahang 30,000 pasahero ang madaragdag mula sa kasalukuyang bilang ng mga pasahero sa busway.
Dagdag pa ni Dizon na panibagong batch pa ng karagdagang bus ang ipapakalat sa Disyembre.
Ayon pa sa kalihim, ang hakbang na ito ay upang matugunan ang mahabang pila ng mga pasahero at pagbigat ng trapiko sa Ortigas at SM megamall areas.
Samantala, iniulat din ng kalihim ang progreso sa repair ng elevators sa EDSA Busway kung saan apat sa pitong elevators na non-operational ay naayos na. Jocelyn Tabangcura-Domenden