Home NATIONWIDE Biyahe ng maliliit na bangka sa Palawan sinuspinde sa Amihan

Biyahe ng maliliit na bangka sa Palawan sinuspinde sa Amihan

3
0

MANILA, Philippines – Pansamantalang sinuspinde ang paglalayag ng maliliit na bangka sa Palawan nitong Miyerkules, Nobyembre 11, dahil sa epekto ng northeast monsoon o amihan, ayon sa Philippine Coast Guard District (PCG) Palawan.

Sa abiso ng CGD-Palawan, ipinagbawal ang paglalayag ng mga sasakyang pandagat na 15 gross tonnage (GT) pababa sa mga sumusunod na lugar:

– Coast Guard Station (CGS) Southern Palawan — sakop ng Rio Tuba at Tagalango
– CGS North Eastern Palawan — Brgy. Bulalacao, Brgy. Delian, Brgy. Decabaitot, Brgy. Depalian Island, Linapacan, Culion

Samantala, ipinagbawal din ang paglalayag ng mga sasakyang 3 GT pababa sa mga sumusunod na lugar:

– CGS Southern Palawan — sakop ng Buliluyan
– CGS South Central Palawan — Brooke’s Point, Sofronio Española

Nauna nang naglabas ang Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ng gale warning sa hilaga at silangang baybayin ng Northern Luzon dahil sa maalon na karagatan na dulot ng Amihan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here