Home METRO P15.8M tobats, nasamsam sa buy-bust sa Zamboanga Sibugay

P15.8M tobats, nasamsam sa buy-bust sa Zamboanga Sibugay

1
0

ZAMBOANGA SIBUGAY, Philippines – Nasamsam ng mga pulis ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng halos P16 milyon at naaresto ang isang high-value target sa buy-bust operation madaling araw ng Miyerkules, Nobyembre 11, sa Ipil.

Ayon kay Lt. Joy Necesario, information officer ng Zamboanga Sibugay Police Provincial Office, ang suspek ay isang 32-anyos na lalaki at residente ng Barangay Tenan, Ipil.

Isinagawa ang operasyon dakong alas-3:20 ng madaling araw sa Purok San Francisco, Barangay Poblacion, sa pangunguna ng Ipil Municipal Police Station katuwang ang iba pang lokal na law enforcement units.

Nasamsam sa suspek ang siyam na heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na tinatayang 2.33 kilo at nagkakahalaga ng P15,844,000.

Narekober din ang marked money at boodle money na ginamit sa operasyon, gayundin ang iba pang gamit na hindi droga.

Isusumite ang nakumpiskang droga sa Zamboanga Sibugay Forensic Unit para sa quantitative at qualitative examination.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Ipil Municipal Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here