Home METRO Bebot, timbog sa buy-bust ops sa La Union

Bebot, timbog sa buy-bust ops sa La Union

3
0

LA UNION, Philippines – Swak sa kulungan ang isang 46-anyos na babae matapos maaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa bayan ng Aringay ng lalawigang ito nitong Miyerkules ng hapon, Nobyembre 11.

Ayon sa Aringay MPS, ang suspek ay residente ng naturang bayan.

Ikinasa ang buy-bust operation bandang alas 5:45 ng hapon na tumagal hanggang alas-6:20 ng gabi.

Ang buy-bust operation ay pinangunahan ng mga personnel ng Aringay MPS. Kasama nila sa operasyon ang mga personnel ng 2nd La Union Provincial Mobile Force Company, Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 1, Philippine Drug Enforcement Agency-La Union, La Union Provincial Drug Enforcement Unit at Regional Intelligence Division 1 sa pakikipag-ugnayan sa PDEA RO1.

Sa naturang buy-bust operation ay nakarekober ang mga awtoridad ng tatlong (3) heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Tumitimbang ng 0.78 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P5,304 ang nakumpiskang hinihinalang shabu.

Bukod sa hinihinalang shabu ay nakakumpiska rin ang mga awtoridad ng mga itinuturing nilang non-drug evidence.

Ginawa ang inventory at markings sa mga nakumpiskang ebidensya sa mismong lugar kung saan nangyari ang buy-bust operation, sa presensiya ng  suspek at mandatory witnesses. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here