Home NATIONWIDE Maritime safety para sa 49th ASEAN Summit, pinaigting ng MARINA

Maritime safety para sa 49th ASEAN Summit, pinaigting ng MARINA

2
0

MANILA, Philippines – Inatasan ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang lahat ng regional offices nito na magpatupad ng Heightened Alert Status mula Nobyembre 13 hanggang 23, 2026, bilang paghahanda sa 49th ASEAN Summit na gaganapin sa Nobyembre 16 hanggang 18.

Sa pamumuno ni MARINA Officer-in-Charge Administrator RADM Loumer P. Bernabe, PN (Ret), paiigtingin ng mga regional office ang pagbabantay at pagpapatupad ng mga patakaran sa kaligtasan sa dagat, gayundin ang mga contingency measure at paghahanda sa mga lugar na inaasahang dadami ang pasahero at biyahe ng mga barko.

Pinaalalahanan din ang mga domestic shipowner at operator na tiyaking ligtas at karapat-dapat bumiyahe ang kanilang mga barko, may balidong mga sertipiko, sumusunod sa awtorisadong kapasidad ng pasahero, at may kwalipikadong tripulante.

Bilang bahagi ng seguridad para sa Summit, suspendido ang dredging, reclamation at iba pang kaugnay na gawaing pandagat sa loob ng 500 yarda mula sa baybayin ng Pasay City, Maynila at ParaƱaque City mula Nobyembre 15 hanggang 18, 2026.

Kailangang ilipat sa labas ng itinakdang exclusion zone ang mga apektadong barko at kagamitan bago sumapit ang Nobyembre 14.

Inatasan din ang mga maritime stakeholder na sundin ang 3.5-nautical-mile by 3.5-nautical-mile no-loitering zone at iba pang hakbang sa kaligtasan ng nabigasyon. Ipinagbabawal din ang hindi awtorisadong pag-angkla, pangingisda, pagsisid at paggamit ng drone sa mga itinalagang security area.

Makikipag-ugnayan ang MARINA Enforcement Service at mga regional office nito sa mga kinauukulang maritime at security authority sa buong panahon ng heightened alert upang mapangalagaan ang mga pasahero, matiyak ang kaligtasan ng mga barko at masuportahan ang maayos na pagsasagawa ng ASEAN Summit. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here