Home METRO PCG, rumesponde sa lumubog na LCT 8 sa Surigao del Sur

PCG, rumesponde sa lumubog na LCT 8 sa Surigao del Sur

1
0

SURIGAO DEL SUR, Philippines – Rumesponde ang Philippine Coast Guard (PCG) sa paglubog ng Landing Craft Tank (LCT) 8 sa karagatang sakop ng Carrascal, Surigao del Sur, noong Nobyembre 10, 2026, matapos itong hampasin ng malakas na hangin at maalong karagatan.

Bandang alas-5:22 ng umaga, nakatanggap ang PCG ng tawag mula sa kapitan ng barko na nag-ulat na lumubog ang LCT 8 at nagkaroon ng oil spill. Nasa maayos na kalagayan ang lahat ng 17 tripulante, kabilang ang kapitan.

Sa paunang inspeksyon, natukoy ang kontaminasyon ng langis sa tinatayang 200 metrong bahagi ng baybayin, na may humigit-kumulang 800 litrong tumagas na langis.

Nag-deploy ang PCG ng absorbent pads at oil spill containment booms upang mapigilan ang pagkalat ng langis. Nakarekober din ang mga tauhan ng 460 litro ng pinaghalong langis at tubig.

Noong Nobyembre 11, nakarekober pa ang response team ng karagdagang 170 litro ng oily waste at 390 kilo ng mga debris na kontaminado ng langis.

Patuloy na mino-monitor ng PCG ang apektadong baybayin upang matukoy ang mga kinakailangang susunod na hakbang. Nagsasagawa rin ito ng imbestigasyon sa insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here