Home ENTERTAINMENT Sanya, di makapaniwalang FHM cover girl, naiyak!

Sanya, di makapaniwalang FHM cover girl, naiyak!

2
0

Manila, Philippines – Grab the November issue of the returning FHM–at bakit?

Cover girl lang naman ang Kapuso actress na si Sanya Lopez.

Pasabog nga ang entrance ni Sanya sa Okada Manila who looked sexy in her red gown.

Halos exposed ang kanyang mga hita dahil sa taas ng slit–with matching pasilip pa ng kanyang cleavage.

Seductress na seductress nga ang dating niya!

As a result, nabulabog ang Okada.

Reaksyon ni Sanya: “Naiiyak ako…naiiyak ako!”

Aber, bakit naman?

Aniya: “First time ko kasing naramdaman na, ‘Uy, cover girl ka na!’

“Sabi ko nga, totoo ba ito? Kasi pangarap ko lang ito before.

”’Yung makasama ka lang sa FHM 100 Sexiest Women, malaking bagay na ‘yon. Eh, cover girl pa…ibang usapan na ‘yon!”

Swak na swak daw sa kanya ang tema nitong “women empowerment”: “Advcacy ko na kasi ‘yan noon pa man.”

Ang sensuality daw para kay Sanya is way beyond the physical aspect: “You feel it in

your mind and spirit. Malaki ang ibig sabihin ng sexy para sa akin.

“I hope na maraming kababaihan ang na-inspire ko ngayon, and I’m very happy right now!”

Nag-yes daw agad si Sanya to be FHM’s cover girl as she believes in it.

In fact, the moment daw na inilatag sa kanya ang concept ay nagustuhan ‘yon agad ni Sanya–whose opinion was also taken into account.

“Hindi lang kami basta babae dahil binigyan din nila kami ng karapatan,” giit niya. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here