Home NATIONWIDE VP Sara walang problema sa magkakaibang political affiliation ng mga abogado

VP Sara walang problema sa magkakaibang political affiliation ng mga abogado

1
0

MANILA, Philippines – Walang nakikitang problema si Vice President Sara Duterte sa magkakaibang political affiliation ng mga abogado na bahagi ng kaniyang depensa sa impeachment case, ayon kay panel spokesperson Michael Poa nitong Huwebes.

Nagbigay ng pahayag si Poa matapos kumalat ang isang viral post na nagpapakitang isa sa mga abogado ni Duterte ay masugid na sumuporta sa presidential bid ni dating Vice President Leni Robredo noong 2022 at nagbahagi rin ng mga post ni Chel Diokno, na kabilang ngayon sa prosecution team.

“I don’t see anything wrong with political affiliations. I don’t see how it affects the case. In fact, it just shows that we are professionals doing our jobs as best as we can without political leanings,” ani Poa sa isang press conference.

Ayon pa sa kaniya, layunin ng kanilang grupo na ilahad ang mga katotohanang magpapakitang walang batayan ang mga alegasyon laban sa bise presidente.

“We are here as professionals, we are here to present the facts as much as we can for the appreciation of the impeachment court,” dagdag niya.

Sinabi rin ni Poa na hindi nakaaapekto sa samahan at pagtatrabaho ng legal team ang magkakaibang ideolohiyang politikal ng mga miyembro nito. Hindi rin umano ito isyu para kay Duterte.

“I don’t know who voted for who, it has never been an issue. It’s not even an issue with the Vice President so I don’t see why it should be an issue between us,” aniya.

Tiwala rin umano si Poa sa kakayahan at dedikasyon ng kaniyang mga kasamahan, na aniya ay magkakasama nang nagtatrabaho sa nakalipas na dalawang taon.

Nauna nang sinabi ni Poa na binuo ni Duterte ang kaniyang legal team para sa impeachment trial noong 2024 pa, nang magsimulang pag-usapan sa House of Representatives ang posibleng impeachment case laban sa kaniya. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here