Home OPINION FIRST AID AT PANGANGALAGA SA TRAUMA MATAPOS ANG AKSIDENTE

FIRST AID AT PANGANGALAGA SA TRAUMA MATAPOS ANG AKSIDENTE

1
0

SA unang bahagi ng ating serye kasama si Dr. Thea Corpuz, Emergency Medicine Specialist mula sa Prime
Hospital and Medical Center sa Pasig City, inihayag niya ang kahalagahan ng "Golden Hour" at ang kritikal na
papel ng Emergency Room sa pagsagip sa buhay ng mga biktima ng aksidente.
Ngunit bago pa man makarating ang pasyente sa ospital, napakalaki ng papel na ginagampanan ng mga unang
taong nakasaksi sa insidente. Narito ang mahahalagang alituntunin at paalala ni Dr. Corpuz para sa publiko:

Mga Hakbang at Paalala para sa Publiko

1. Huwag galawin ang biktima kung may suspensyon ng Spinal Injury:
Kung ang aksidente ay kinabibilangan ng matinding pagkahulog o banggaan, ang hindi tamang paggalaw sa
pasyente ay maaaring magdulot ng permanenteng paralisis o kapansanan. Hayaan ang mga trained responders na
maglagay ng cervical collar at spine board bago ilipat ang biktima.

2. Iwasan ang mga maling paniniwala at pamahiin:
Huwag lagyan ng toothpaste, mantika, mantekilya, o iba pang sangkap ang mga sugat o pasobrang sunog sa balat.
Hugasan lamang ito ng malinis na tubig habang naghihintay ng saklolo upang maiwasan ang impeksyon at lalong
pagkasira ng tissue.

3. Mag-ingat sa Head Trauma:
Ang pagkahilo, pagsusuka, pagkalito, o pagkawala ng kamalayan matapos mabagok ang ulo ay mga warning signs
ng posibleng brain injury. Kinakailangang masuri agad ito sa ER sa pamamagitan ng CT Scan kahit pa sabihing
"maayos" ang pakiramdam ng pasyente.

Pangangalaga sa Kalusugan ng Pag-iisip (Mental Health)

Hindi rin itinanggi ni Dr. Corpuz na bukod sa pisikal na sugat, ang trauma ay nag-iiwan din ng malalim na marka sa
mental at emotional health ng isang tao.

Ang mga nakaligtas sa matitinding aksidente ay maaaring makaranas ng Post-Traumatic Stress Disorder (PTSD),
anxiety, o matinding takot matapos ang insidente. Kaya naman, mahalaga ring isaalang-alang ang psychosocial
support, counseling, at therapy sa kanilang buong recovery process.
Pangwakas na Paalala

Sa pagtatapos ng panayam, nag-iwan ng mahalagang mensahe si Dr. Thea Corpuz sa ating mga ka-serbisyo: Ang
kaalaman sa pangunahing first aid at ang mabilis at tamang pagdadala ng pasyente sa pinakamalapit na
ospital—tulad ng Prime Hospital and Medical Center—ang pinakamabisang sandata upang maipagtanggol ang
buhay laban sa banta ng trauma.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here