MANILA, Philippines – Walang tumama sa jackpot ng Ultra Lotto 6/58 at Mega Lotto 6/45 sa draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Biyernes, Nobyembre 13, 2026.
Ayon sa PCSO, ang winning combination sa Ultra Lotto 6/58 ay 51-50-40-54-57-34, na may katumbas na jackpot prize na ₱525.92 milyon.
Wala namang nakakuha ng anim na tamang numero.
Samantala, 26-38-37-20-19-28 ang winning combination sa Mega Lotto 6/45 na may jackpot prize na ₱18.32 milyon.
Wala ring tumama sa lahat ng anim na numero upang maiuwi ang pangunahing premyo. RNT/MDS