TARLAC, Philippines – Arestado ang siyam (9) na katao, kabilang ang umano’y operator o may Ari ng mga nasabat na libu-libong iligal na Gasolina at diesel na nagkakahalaga ng tinatayang P20-Milyon sa ikinasang operasyon ng pulisya sa isang compound (Patuloy/Paihi) sa Barangay San Rafael, Tarlac City.
Batay sa ulat na nakarating Kay Central Luzon Police Director Brigadier General Jess Mendez.
Sa bisa ng Search Warrant na inisyu ng Korte, sinalakay ng magkasanib na pwersa ng Regional Special Operations Group-Regional Intelligence Division 3 (RSOG-RID3), Tarlac City Police Station at Tarlac Provincial Office at CIDG Tarlac ang compound kung saan naaktuhan umano ng mga awtoridad ang aktwal na iligal na operasyon ng illegal fuel trading.
Huli sa akto ang walong katao na pawang personnel at ang may Ari at operator ng nasabing iligal na negosyo na nagsasalin sa mga container ng libu-libong litro ng produktong petrolyo.
Nasamsam sa raid ang walong (8) tanker tucks na naglalaman ng tinatayang na 88,000 liters ng unleaded gasoline, 22 drum (bulk container) na naglalaman ng 3,000 liters ng gasolina at dalawa pang (2) storage tanks na naglalaman ng 2,000 liters ng diesel.
Nakumpiska rin ng mga awtoridad ang mga equipment na gamit sa pagsasalin ng produktong petrolyo, financial documents at cash na higit P146,000 na pinagbentahan ng iligal na produkto.
Nasa kustodiya na nang pulisya ang mga naarestong suspek sa patung-patong na kaso, Kaugnay sa paglabag sa illegal trading ng petroleum products. (ROEL TARAYAO)