MANILA, Philippines – NAG-ALOK ang Canada na magtatayo ng data centers sa Pilipinas, itinuturing na pinakabagong free trade market nito.
Nais ng nasabing bansa na iposisyon ang sarili bilang “more reliable partner” na “does not use trade as a weapon.”
Sinabi Maninder Sidhu, Minister of Trade ng Canada, na ang Ottawa ay kasalukuyang mayroong 200 data centers sa pipeline at isang network ng mahigit sa 3,500 artificial intelligence (AI) companies na nagpapatrabaho sa mahigit sa 150,000 Canadians.
Ang antas ng kadalubhasaan na ito aniya ay nagpapakita ng malakas na kaso para sa Canada para maging katuwang sa pagtatayo ng data centers sa Pilipinas.
“Data centers are the factory of the 21st century, and this region is building them at remarkable speeds. Canada knows how to build them,” ang sinabi ni Sidhu, sa Asean Business and Investment Forum, araw ng Linggo.
“Canada wants to help you build yours,” aniya pa rin.
Winika ni Sidhu, maaaring suportahan ng Canada ang “full suite of services” na kakailanganin para patakbuhin ang data centers.
Tinukoy nito ang karanasan ng Canada sa paggamit ng maliit na modular reactors para bigyang kakayahan ang power-hungry facilities. Gayundin, ipinagmamalaki ni Sidhu ang pagkakatuklas sa mahalagang mineral sa Ottawa, na mahalaga sa paggawa ng chips na kinakailangan para sa AI.
Habang nais nito na maging katuwang Pilipinas, “from day one,” kinilala rin ng Canada na kailangan ngayon ng bansa na iproseso ang mas maraming mineral nito.
“Canada respects that, and we want to help you do it,” ang tinuran ni Sidhu.
“After all, Canada remains a “partner of choice” that does not use trade as a weapon, aniya pa rin.
“In a world of uncertainty, trust has become the scarcest resource in the global economy, and Canada has that in surplus,” ayon kay Sidhu sabay sabing “We honor our agreements, we respect the rule of law, and we do not use trade as a weapon. When we make a commitment, we keep it.” KRIS JOSE