MANILA, Philippines – Isang foreign national ang nabagsakan ng bato na nahulog mula sa itaas ng Pagsanjan Falls sa Pagsanjan, Laguna.
Ang biktima na nagtamo ng sugat sa ulo ay kaagad na nilapatan ng lunas sa Pagsanjan Medical Clinic at sumailalim sa CT- scan na kinilala sa Alyas Brandon na isang foreign national.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng Pagsanjan Municipal Police Station, dakong alas-11:30 ng tanghali ng Biyernes, Nobyembre 13, habang ang dayuhan ay lulan ng bangka, pagdating sa Pagsanjan Falls ay bigla umanong nahulog ang bato at tinamaan ang biktima.
Dahil dito ay nasira ang suot nitong helmet.
Agad na pinagbigay alam ng boatmen sa United Boatmen of Pagsanjan at Laguna personnel Tourist Police Unit ang naganap na insidente.
Samantang, nasa maayos na kondisyon na ang nasabing foreign national. Ellen Apostol