Bulacan – Arestado ng mga awtoridad sa bisa ng Warrant of Arrest (WOA) ang Most Wanted Person (MWP) sa bayan ng Bulakan nitong Nobyembre 13.
Sa ulat ni PLTCOL Lynelle Solomon, hepe ng Bulakan police station. kinilala ang naaresto na si alyas “Regi”, 30, residente ng Brgy. Perez.
Ayon sa ulat ng istasyon, ipinatupad ang WOA sa wanted ng tracker team ng istasyon bandang 7:20 ng gabi sa nasabing lugar.
Nabatid na ang WOA sa kasong Rape (2 counts) na may piyansang P360,000.00 at Qualified Statutory Rape na walang inirekomendang piyansa ay inilabas ng Regional Trial Court, Branch 9, Malolos City noong Nobyembre 26, 2024.
Sinasabing agad dinala ang wanted sa istasyon para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.
Patuloy na pinaiigting ng Bulacan Police Provincial Police Office sa pamumuno ni PCOL Jay Baybayan, Provincial Director, ang kampanya laban sa mga wanted upang mapanagot ss batas ang mga nagkasala. Dick Mirasol III