MANILA, Philippines – Nanawagan ang iba’t ibang grupo ng mga katutubo sa pamahalaan na unahin ang pangangalaga sa kanilang lupang ninuno at kabuhayan sa gitna ng pagtutol sa US-led Pax Silica initiative at pagbisita ni US President Donald Trump sa Pilipinas.
Nakiisa ang mga katutubong Ayta, Igorot, Mangyan at Molbog sa mga organisasyong pangkarapatang pantao at iba pang progresibong grupo sa kilos-protesta sa Liwasang Bonifacio, Maynila, nitong Lunes, Nobyembre 16, kasabay ng 49th ASEAN Summit.








