Home HOME BANNER STORY ASEAN-China Summit, nagsimula na sa Maynila

ASEAN-China Summit, nagsimula na sa Maynila

1
0

MANILA, Philippines – Sinimulan na ngayong Lunes, Nobyembre 16, ang 29th ASEAN-China Summit sa Maynila sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at pagdalo ni Chinese Premier Li Qiang.

Bahagi ang pagpupulong ng 49th ASEAN Summit and Related Summits na pinangungunahan ng Pilipinas bilang ASEAN chair ngayong 2026.

Isa sa mahahalagang usapin sa ugnayan ng ASEAN at China ang hindi pa natatapos na Code of Conduct (COC) sa South China Sea, na naglalayong magtakda ng mga patakaran upang maiwasan ang mga komprontasyon sa pinag-aagawang karagatan.

Nauna nang sinabi ni Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro na umabot na sa halos 80 porsiyento ang mga bahagi ng draft COC na may pansamantalang pagkakasundo ang ASEAN at China.

Gayunman, hindi ito maisasapinal sa ilalim ng ASEAN chairmanship ng Pilipinas dahil sa mga natitirang isyung kailangang pagkasunduan.

Ayon kay Lazaro, ipagpapatuloy ang negosasyon sa ilalim ng pamumuno ng Singapore sa ASEAN sa 2027.

Nananatili ring sensitibo ang ugnayan ng Pilipinas at China dahil sa mga pagtatalo tungkol sa karapatang pandagat at mga insidente sa West Philippine Sea.

Sa kabila ng mga pagkakaibang ito, nagpapatuloy ang pag-uusap ng ASEAN at China sa mga usaping panrehiyon at pagpapalakas ng kanilang kooperasyon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here