Home METRO Malaysian nat’l, 1 pa utas sa P13.4M shabu sa Tawi-Tawi

Malaysian nat’l, 1 pa utas sa P13.4M shabu sa Tawi-Tawi

1
0

MANILA, Philippines – Dalawang hinihinalang drug suspect, kabilang ang isang Malaysian national, ang nasawi habang dalawang babae ang sugatan matapos mauwi sa engkuwentro ang buy-bust operation sa Bongao, Tawi-Tawi.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nasamsam sa operasyon sa Barangay Tubig Mampallam ang humigit-kumulang dalawang kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱13.4 milyon.

Kinilala ni PDEA Tawi-Tawi provincial officer Abraham Solon Kalim ang mga nasawi na sina Janimal Bin Hajad, alyas “Ungod,” isang Malaysian national, at ang Pilipinong si Sansibar Amirul Amil.

Sa ulat ng Inquirer nitong Lunes, Nobyembre 16, sinabi ni Kalim na nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng PDEA, katuwang ang Philippine Marines at pulisya.

Ayon sa PDEA, nauwi sa palitan ng putok ang operasyon matapos umanong mahalata ng mga suspek ang presensya ng mga awtoridad at tangkaing tumakas sakay ng motorized wooden boat habang nagpapaputok ng baril.

Narekober sa lugar ang hinihinalang shabu na nakalagay sa dalawang pakete ng Chinese tea, gayundin ang isang baril at bangkang de-motor.

Samantala, isinugod sa ospital ang dalawang babaeng nasugatan sa insidente.

Wala namang naiulat na nasugatan sa panig ng mga awtoridad, ayon kay Kalim.

Patuloy pang kailangang matukoy ang buong pangyayari sa engkuwentro at makumpirma ang pagkakakilanlan ng dalawang babaeng nasugatan. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here