Home NATIONWIDE Teodoro, kumpiyansang tutuparin ng US ang defense treaty sa PH

Teodoro, kumpiyansang tutuparin ng US ang defense treaty sa PH

2
0

MANILA, Philippines – Kumpiyansa si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na tutuparin ng Estados Unidos ang obligasyon nito sa ilalim ng Mutual Defense Treaty (MDT) sakaling lumala ang tensyon sa South China Sea.

Sinabi ni Teodoro sa Manila Dialogue on the South China Sea nitong Lunes, Nobyembre 16, na wala siyang dahilan upang pagdudahan ang pangako ng US sa Pilipinas.

Gayunman, binigyang-diin niyang mahalagang umiwas ang Pilipinas sa mga hakbang na maaaring magdulot ng hindi kinakailangang komprontasyon.

Ayon kay Teodoro, patuloy ang pakikipagtulungan ng Pilipinas sa US upang palakasin ang kakayahang pandepensa at maiwasan ang posibleng sagupaan sa pinag-aagawang karagatan.

Sa ilalim ng 1951 Mutual Defense Treaty, may obligasyon ang Pilipinas at US na tumugon sa armadong pag-atake laban sa isa’t isa alinsunod sa kani-kanilang prosesong konstitusyonal.

Nilinaw rin sa bilateral defense guidelines ng dalawang bansa na saklaw ng kasunduan ang armadong pag-atake sa kanilang armed forces, aircraft at public vessels, kabilang ang coast guard, saanman sa South China Sea.

Samantala, nagpahayag din si Teodoro ng pag-aalinlangan sa pag-asa lamang sa mabuting pakikitungo ng China kaugnay ng isinusulong na ASEAN-China Code of Conduct.

Patuloy ang tensyon sa South China Sea sa gitna ng malawak na pag-angkin ng Beijing sa karagatan, kabilang ang mga bahaging saklaw ng karapatang pandagat ng Pilipinas.

Noong 2016, pinawalang-bisa ng arbitral tribunal ang legal na batayan ng malawak na pag-angkin ng China sa historic rights sa South China Sea na lumalampas sa pinahihintulutan ng United Nations Convention on the Law of the Sea.

Hindi kinikilala ng Beijing ang nasabing desisyon. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here