TUBA, Benguet, Philippines – Anim na katao ang nasugatan matapos bumangga ang isang 10-wheeler Isuzu wing van truck sa isang warehouse sa loob ng Philippine Rabbit Compound sa Marcos Highway nitong Lunes ng gabi.
Ayon sa ulat, nagkaroon ng problema sa preno ng truck kaya nawalan ng kontrol ang driver at bumangga ito sa gusali.
Kabilang sa mga nasugatan ang 45-anyos na driver, residente ng Sto. Tomas, Batangas, at ang kanyang pahinante. Hindi naman tinukoy ng pulisya ang pagkakakilanlan ng iba pang mga biktima.
Dinala ng mga rumespondeng awtoridad ang lahat ng anim na sugatan sa kalapit na ospital para malapatan ng lunas.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang iba pang detalye ng insidente at ang lahat ng sangkot. RNT/MDS