Home METRO Magkapatid, huling nagdodroga sa bahay sa Valenzuela; 1 pa arestado din sa...

Magkapatid, huling nagdodroga sa bahay sa Valenzuela; 1 pa arestado din sa droga

2
0

VALENZUELA CITY, Philippines – Huli sa aktong nagdodroga ang magkapatid sa loob ng sarili nilang bahay sa Valenzuela City.

Kasalukuyang nakapiit sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela City Police Station ang mga suspek na sina alyas “Jess”, 39, at alyas “Jay”, 42, kapwa residente ng lungsod.

Sa ulat ni SDEU Investigator PSSg Pamela Joy Catalla kay Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento, alas-2:45 ng madaling araw, nagsasagawa ng Anti-Criminality Operation ‘Oplan Galugad’ ang mga tauhan ng Police Sub-Station 8 sa Bagong Nayon, Barangay Bagbaguin.

Dito, naaktuhan nina Pat Verano at Pat Caballero ang magkapatid na bumabatak umano ng shabu sa loob ng isang bahay sa lugar na dahilan ng pagkakaaresto sa kanila.

Nakumpiska ng mga pulis sa magkapatid ang mga drug paraphernalias kabilang ang may mga traces ng hinihinalang shabu.

Na-inquest na sa Valenzuela City Prosecutor’s Office ang mga suspek kaugnay sa kasong isinampa sa kanila ng pulisya na paglabag Sections 12 at 15 ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Samantala,arestado naman ang 45- anyos na construction worker na wanted sa kaso ng  iligal na droga sa nabanggit ding. lungsod.

Ala-1:00 ng hapon nang maaresto ng mga tauhan ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento ang akusado sa Brgy. Paso De Blas.

Simula nang mag-isyu ng arrest warrant ang Regional Trial Court, Branch 282, Valenzuela City, noong November 9, 2026, para sa paglabag sa Section 11, Article II of R.A 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa akusado, sinimulan na ng pulisya ang pagtugis sa kanya.

Hindi na nakapalag ang akusado nang makorner at arestuhin ng mga operatiba Warrant and Subpoena Section ng Valenzuela City Police sa bisa ng nasabing warrant na walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Ayon kay Col. Talento, ang matagumpay na operasyong ito ay nagpapatunay sa matatag na dedikasyon ng Valenzuela City Police Station na itaguyod ang batas at tiyaking ang mga indibidwal na may mga nakabinbing warrant ay maiharap sa mga kinauukulang awtoridad.

Binigyang-diin naman ni P/BGen. Capili na walang puwang sa komunidad ang lumalabag sa batas kaya patuloy na pinaiigting ng NPD ang paghahanap at pag-aresto sa mga wanted person upang matiyak na mananagot sila sa batas. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here