MANILA, Philippines – Muling nagkaroon ng tensiyon sa pagitan ng mga raliyista at pulis sa ikatlong araw ng protesta sa Liwasang Bonifacio sa Ermita, Maynila nitong Martes, Nobyembre 17.
Nangyari ang insidente nang lapitan umano ng mga pulis ang mga demonstrador habang nagbababa ng mga suplay mula sa isang pickup truck para sa kanilang kilos-protesta.
Agad ding humupa ang tensiyon matapos umatras ang mga anti-riot police mula sa lugar.
Tatlong magkakasunod na araw nang nagtitipon ang mga raliyista sa Liwasang Bonifacio upang tutulan ang nakatakdang pagbisita ni US President Donald Trump at ang panukalang Pax Silica hub sa Tarlac.
Nakatakdang dumating sa Pilipinas si Trump ngayong Nobyembre 17 para sa ika-49 na ASEAN Summit.
Inaasahang magmamartsa ang mga raliyista patungo sa Philippine International Convention Center (PICC) habang nagpapatuloy ang ikalawang araw ng summit. RNT/MDS