Home ENTERTAINMENT Willie, Randy, at John, magsasama sa December!

Willie, Randy, at John, magsasama sa December!

1
0

Manila, Philippines – All-out support ang ibinigay nina Willie Revillame at John Estrada sa concert ni Randy Santiago marking his 40th anniversary.

Ito ‘yung Behind The Shades kamakailan sa Centris, QC.

Nahingan pa ng song number si Willie who gamely sang a Vehnee Saturno composition.

Panay kasi ang request ng audience kay Willie who shared a table with Tirso Cruz III.

Sinamantala na din ng TV host ang pagkakataong ianunsyo ang aabangang show nila nina Randy at John in digital form.

Sa December daw ang launch nito.

Fans who were at Randy’s anniversary concert couldn’t help but recall their former show on ABS-CBN, ang Magandang Tanghali Bayan (MTB) years ago.

Sobrang tinangkilik ‘yon ng mga manonood–na nagpasikat din ng kanilang trio.

Nagkaroon nga lang ng problema–dahilan why it had to go off air.

Anyway, wala pang pamagat ang kanilang digital show na si Willie ang producer.

May mga nagsa-suggest na ialok nila ‘yon either sa TV5 o GMA for wider viewership.

Kung matutuloy ito sa December, maitatanong lang–ano na ang nangyaring balik-TV show ni Willie na game cum public service show?

Has Willie’s plan changed? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here