Home HOME BANNER STORY Pamumuno sa ASEAN, ipinasa na ng Pinas sa Singapore

Pamumuno sa ASEAN, ipinasa na ng Pinas sa Singapore

8
0

MANILA, Philippines — Pormal nang ipinasa ng Pilipinas sa Singapore ang pamumuno sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa pagtatapos ng 49th ASEAN Summit and Related Summits sa Pasay City nitong Martes, Nobyembre 17.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang seremonyal na turnover kay Singaporean Prime Minister Lawrence Wong sa Philippine International Convention Center.

Opisyal na magsisimula ang chairship ng Singapore sa Enero 1, 2027, kasabay ng paggunita sa ika-60 anibersaryo ng ASEAN.

Nagpahayag si Marcos ng buong tiwala at suporta sa pamumuno ng Singapore, habang pinasalamatan naman ni Wong ang Pilipinas sa pangunguna nito sa regional bloc sa kabila ng mga hamon sa rehiyon.

Sa ilalim ng temang “Deeper Integration, Wider Partnerships,” tututukan ng Singapore ang pagpapalakas ng kooperasyon sa ekonomiya, pananalapi, digital technology at enerhiya.

Kabilang din sa mga layunin nito ang mas malawak na ugnayan sa mga bansang katuwang ng ASEAN at pagsusulong ng mas nagkakaisang pamilihan sa Southeast Asia.

Nagtapos ang chairship ng Pilipinas sa ilalim ng temang “Navigating Our Future, Together,” na nakatuon sa seguridad, kaunlaran at kapakanan ng mga mamamayan sa rehiyon. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here