Home HOME BANNER STORY Pagdating ni Trump sa PH, sinalubong ng malawakang protesta vs Pax Silica

Pagdating ni Trump sa PH, sinalubong ng malawakang protesta vs Pax Silica

1
0
(c) Eric Ocapan

MANILA, Philippines — Libo-libong raliyista ang nagtipon sa Liwasang Bonifacio sa Maynila nitong Martes, Nobyembre 17, upang tutulan ang pagbisita ni US President Donald Trump sa Pilipinas para sa 49th ASEAN Summit.

Bitbit ang mga plakard na may mga panawagang “Trump Out Now” at “Reject Pax Silica,” kinondena ng mga progresibong grupo ang presensiya ng Estados Unidos sa rehiyon at ang US-led Pax Silica initiative.

(c) Eric Ocapan

Kabilang sa kanilang mga ipinahayag na pangamba ang posibleng epekto ng nasabing proyekto sa kabuhayan at lupain ng mga katutubo at magsasaka sa Central Luzon.

Nagkaroon naman ng tensiyon sa pagitan ng mga demonstrador at pulisya matapos umanong tangkaing i-tow ng mga awtoridad ang pickup truck na may dalang sound system at generator para sa protesta.

Ayon sa Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN), pagtatangka itong hadlangan ang kanilang kilos-protesta. Itinanggi naman ng Manila Police District (MPD) ang alegasyon at sinabing nagkaroon lamang ng hindi pagkakaunawaan.

Samantala, hinarang ng mga pulis ang planong martsa ng mga demonstrador patungong Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City, kung saan idinaraos ang ASEAN Summit.

Ayon kay MPD Director Brig. Gen. Arnold Santiago, hindi maaaring lumampas sa Liwasang Bonifacio ang mga demonstrador dahil sa ipinatutupad na seguridad para sa pagpupulong ng mga pandaigdigang lider.

Dumating si Trump sa Maynila nitong Martes para sa mga pagpupulong sa mga lider ng ASEAN at iba pang kaalyadong bansa.

Nakatakda rin siyang makipagpulong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malacañang ngayong Miyerkoles, Nobyembre 18, bago magtungo sa China. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here