Home NATIONWIDE ASEAN Digital Economy Framework, Declaration on Foundational Learning, susuportahan ng Senado –...

ASEAN Digital Economy Framework, Declaration on Foundational Learning, susuportahan ng Senado – Gatchalian

1
0

MANILA, Philippines – Tinawag ni Senate President Sherwin “Win” Gatchalian na malaking tagumpay para sa maliliit na negosyante ang paglagda sa ASEAN Digital Economy Framework Agreement (DEFA), habang tiniyak din ang suporta ng Senado sa mga programang pang-edukasyon na kaakibat ng Philippine-led ASEAN Declaration on Foundational Learning.

Ayon kay Gatchalian nitong Nobyembre 17, ang DEFA ay magbubukas ng mas malaking merkado sa buong Southeast Asia para sa mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs), kabilang ang mga nasa probinsya.

“The signing of the ASEAN Digital Economy Framework Agreement is a big win for MSMEs across Southeast Asia, including the Philippines, as this will enable small businesses, even those operating in provinces, to expand their market across the region,” ani Gatchalian.

Giit niya, para lubos na mapakinabangan ng bansa ang oportunidad, kailangang paigtingin ng gobyerno ang pagpapababa ng presyo ng kuryente at internet, gayundin ang pagpapahusay ng logistical infrastructure.

“Sisiguraduhin ng Senado na ang importanteng detalye ng kasunduang ito ay talagang magsusulong sa mga maliliit na negosyante sa bansa at hindi sila mapag-iiwanan sa inaasahang pagpasok ng mga ibat-ibang produkto galing sa rehiyon,” dagdag pa ng senador.

Samantala, nitong Nobyembre 18, pinuri rin ni Gatchalian ang pag-apruba sa Philippine-led ASEAN Declaration on Foundational Learning (ADFL), na aniya ay patunay ng matibay na commitment ng rehiyon na palakasin ang basic education.

“The approval of the Philippine-led ASEAN Declaration on Foundational Learning signals a strong regional commitment to bolster basic education. This gives member-states the opportunity to share and learn what works when it comes to strengthening our learners’ foundations,” aniya.

Ayon sa senador, mahalagang tustusan ang mga lokal na programang sumasalamin sa regional push, gaya ng Academic Recovery and Accessible Learning Program (ARAL) na mismong tinukoy ng Department of Education (DepEd).

“Kaya naman patuloy na tututukan at popondohan ng Senado ang mga programang mag-aangat sa kalidad ng edukasyon sa bansa. Isusulong natin ang suportang ito sa pagtatalakay ng 2027 national budget at sa iba pang mga panukalang batas,” ani Gatchalian. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here