Manila, Philippines – Bilang isang skin care expert ay malakas ang impluwensya ni Dr. Nathalie Ordanza, DHA, PhD, pagdating sa Pinay beauty at nabanggit niya ang pangalan ng ilan sa mga local actresses.
Aniya, “Sobra po akong bilib sa morena beauty ng mga Pinay, kahit yung complexion nina Kathryn (Bernardo) at Shuvee (Etrata)…
“Also, sina Nadine (Lustre) and Shuvee, nakaka-good vibes ‘yung pagka-proud nila sa beach complexion and body nila talaga. Sina Kathryn and Lovi (Poe) naman, yung parang laging photoshoot ready ang awra nila, but they’re all gorgeous.”
Dagdag pa ni Doc Nathalie, “Even po yung mga may fairer skin, maganda naman talaga tignan pero nakaka-proud naman na yung mga morena beauties nowadays, hindi na sila naa-awkward sa complexion nila. Kumbaga, mas open na silang tanggapin yung pagiging morena nila, despite the Filipino beauty standard na kapag maputi, mas maganda.”
Hindi lang isang ordinaryong negosyante si Dr. Nathalie na nasa likod ng umuusbong na skincare brand na ÉLAN Ivory Glow.
Ang founder at CEO nitong si Nathalie ay personal na nangunguna sa pagbuo ng formulation ng bawat produkto ng kanyang brand—isang hands-on approach na naging mahalagang bahagi ng pagkakakilanlan ng ÉLAN.
Layunin niyang makalikha ng mga produktong hindi lang sumusunod sa uso, kundi tumutugon sa iba’t ibang pangangailangan ng balat.
May mahigit 25 taong karanasan sa healthcare industry si Dr. Ordanza, kabilang ang healthcare education, clinical documentation integrity, at professional leadership.
Bagama’t hindi cosmetic chemistry ang kanyang orihinal na propesyon, ginamit niya ang karanasan sa evidence-based healthcare at scientific research upang pag-aralan ang mga skincare ingredients, ang kanilang mga mekanismo, at kung paano maaaring pagsamahin ang mga ito sa isang multifunctional formulation. Personal niyang pinangungunahan ang formulation development ng ÉLAN products, mula sa pagpili ng mga aktibong sangkap, pagtukoy sa kanilang layunin, hanggang sa pagdidisenyo ng mga produktong naaayon sa pangunahing pilosopiya ng brand.
Isa sa mahalagang tagumpay ng ÉLAN Ivory Glow ang 2026 Australian Award for Excellence in Cosmetic Formulation. Ang parangal na ito ay isang makabuluhang international recognition para sa brand at sa formulation-driven approach na isinusulong ng founder nito.
Sa formulation concept nito, binigyang-pansin ang skin renewal, hydration, at pagpapaganda ng hitsura ng dark spots, uneven skin tone, at rough skin texture.
Sa patuloy na paglago ng ÉLAN Ivory Glow, nananatili ang kanyang pangunahing paniniwala, “Ang tunay na inobasyon ay hindi nasusukat sa dami ng produktong nalilikha, kundi sa layunin at halagang naibibigay ng bawat isa,” wika pa ni Dr. Nathalie. JP Ignacio