Home NATIONWIDE Jeddah, posibleng gawing testing center ng 2027 Shari’ah Bar — SC

Jeddah, posibleng gawing testing center ng 2027 Shari’ah Bar — SC

6
0

MANILA, Philippines — Pinag-aaralan ng Korte Suprema ang posibilidad na magtatag ng international testing center sa Jeddah, Saudi Arabia, para sa 2027 Shari’ah Special Bar Examinations.

Ayon sa Shari’ah Bar Bulletin No. 1 na inilabas noong Nobyembre 16, isasagawa ang pagsusulit sa Mayo 5 at 9, 2027, sa pangunguna ni Supreme Court Associate Justice Jose Midas Marquez.

Kabilang sa mga itinakdang testing locations sa Pilipinas ang Quezon City, Davao City, Iligan City at Zamboanga City.

Gayunman, nakadepende pa sa gastos at sapat na bilang ng mga interesadong examinee ang pagbubukas ng testing center sa Saudi Arabia.

Isasagawa nang digital ang dalawang araw na pagsusulit na sasaklaw sa apat na asignatura kaugnay ng Shari’ah law.

Maaaring pumili ang mga aplikante kung Ingles o Arabic ang gagamiting wika sa pagsusulit, ngunit hindi na ito maaaring baguhin matapos ang application period.

Magsisimula ang aplikasyon sa Disyembre 1 hanggang 18, 2026, sa pamamagitan ng Philippine Judiciary Platform.

Itinakda sa ₱12,800 ang regular application fee, habang maaaring makapagbayad ng ₱2,000 ang mga kwalipikadong aplikante. Mayroon ding installment payment option na sasailalim sa mga itinakdang kondisyon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here