Home METRO P18M high-grade marijuana, nasamsam sa Bacolod

P18M high-grade marijuana, nasamsam sa Bacolod

1
0

MANILA, Philippines — Nasamsam ng mga awtoridad ang tinatayang ₱18 milyong halaga ng hinihinalang high-grade marijuana o kush matapos ang buy-bust operation sa Barangay Tangub, Bacolod City, nitong Martes, Nobyembre 17.

Ayon sa Bacolod City Police Office (BCPO), isang 29-anyos na lalaki na kinilalang si alyas “Tol” ang inaresto sa operasyong isinagawa ng City Drug Enforcement Unit (CDEU).

Nakumpiska sa suspek ang humigit-kumulang 15 kilo ng hinihinalang kush na nakalagay sa 32 selyadong plastic bag.

Sinabi ni BCPO Director Col. Eugene Rebadomia na lima hanggang anim na buwan nang minamanmanan ng mga awtoridad ang suspek bago ito naaresto.

Batay naman sa impormasyon ng pulisya, umano’y nagmumula sa Thailand ang supply ng ilegal na droga at ipinadadala sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas, kabilang ang Bacolod at Iloilo, sa pamamagitan ng courier services.

Ayon kay CDEU chief Lt. Col. Roberto Indiape, patuloy nilang inaalam kung may iba pang malalaking personalidad na sangkot sa operasyon at pamamahagi ng droga.

Inihahanda na ang mga reklamong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa naarestong suspek. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here