Home NATIONWIDE Banta ng baha, ‘di nawawala sa kabila ng El Niño – PAGASA

Banta ng baha, ‘di nawawala sa kabila ng El Niño – PAGASA

2
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na maaari pa ring makaranas ng biglaang malakas na pag-ulan at pagbaha ang ilang lugar sa bansa sa kabila ng nararanasang El Niño.

Ayon kay PAGASA-Davao weather specialist Engr. Alan Ray Ribo, hindi tuluyang nawawala ang posibilidad ng matinding pag-ulan kahit karaniwang nagdudulot ng mas mainit at tuyong panahon ang El Niño.

Sinabi ni Ribo na maaari pa ring magdala ng malakas na ulan ang mga localized thunderstorm, partikular sa gabi.

Binigyang-diin nito na dapat manatiling alerto ang publiko sa mga biglaang pagbabago ng panahon at posibleng pagbaha.

Samantala, inaasahang bababa ang dami ng ulan sa mga susunod na buwan, dahilan upang mangamba ang mga awtoridad sa posibleng dry spell at tagtuyot sa ilang bahagi ng bansa mula Disyembre 2026 hanggang sa mga unang buwan ng 2027.

Batay sa opisyal na advisory ng PAGASA noong Nobyembre 4, posibleng magpatuloy ang very strong El Niño hanggang sa unang kalahati ng 2027.

Pinayuhan din ang mga magsasaka na maagang maghanda at iangkop ang kanilang mga pamamaraan ng pagtatanim upang mabawasan ang posibleng epekto ng matagal na kakulangan sa ulan.

Patuloy namang hinihikayat ang publiko na subaybayan ang mga opisyal na weather advisory at maghanda sa parehong panganib ng tagtuyot at biglaang pagbaha. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here