Manila, Philippines – Naglabas ng panawagan si Sen. Robin Padilla sa kanyang mga tagasuporta: huwag mag-rally.
Kaugnay ito ng pagharap-harap ng aktor-pulitiko sa reklamong obstruction of justice laban sa kanya as filed by the Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Makikita ang apela ng mambabatas sa no-protest action sa pamamagitan ng video message sa kanyang Facebook account.
Para kay Robin, umiiwas lang siyang mabahiran ng negatibong kulay ang pagkilos na ‘yon.
Nakikiusap siyang maging mahinahon ang kanyang mga tagasuporta at sa halip ay hayaan na lang manaig ang proseso ng batas.
Ang reklamong obstruction of justice ay bunsod ng pagtakas ni Sen. Ronald “Bato” de la Rosa sa compound ng Senado noong May 14.
Matatandaang inamin ni Robin na isinakay niya ang kapwa mambabatas sa kanyang sasakyan.
Pero giit ni Robin, wala daw siyang nilabag na batas. Ronnie Carrasco III