BULACAN, Philippines – Arestado ng mga awtoridad sa bisa ng Warrant of Arrest (WOA) ang tatlong indibiduwal na kabilang sa City Level Most Wanted sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM) nitong Nobyembre 18.
Sa ulat ni PLTCOL Nelson Sardin, hepe ng SJDM police station, kinilala ang mga naarestong akusado na 45, 23 at 25 taong gulang na kapwa mga babae.
Ayon sa ulat, ipinatupad ang magkakahiwalay na WOA ng tracker team ng istasyon katuwang ang Regional Mobile Force Battalion 3 sa Brgy. Poblacion 1.
Nabatid na ang mga warrant sa kasong Syndicated Estafa ay inisyu ng Regional Trial Court, Branch 120, City of SJDM noong Agosto 13, 2025.
Dinala ang mga naaresto sa istasyon para sa kaukulang dokumentasyon at pansamantalang kustodiya bago ang kanilang pagbabalik sa korte na naglabas ng warrant. (Dick Mirasol III)