Home METRO Lisensya ng babaeng nagmomotorsiklo habang nakatayo, sinuspinde ng LTO

Lisensya ng babaeng nagmomotorsiklo habang nakatayo, sinuspinde ng LTO

1
0

MANILA, Philippines – Sinuspinde nang 90 araw ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ng isang babae matapos mahuling nakatayo habang nagmamaneho ng motorsiklo sa Molino Boulevard, Bacoor City, Cavite.

Ayon sa LTO, makikita sa kumalat na video sa Facebook ang rider na nakatayo sa umaandar na motorsiklo habang nag-o-overtake sa iba pang malalaking motorsiklo.

Binigyang-diin ni LTO chief Markus Lacanilao na inilalagay sa panganib ng ganitong mapanganib na pagmamaneho ang publiko at iba pang gumagamit ng kalsada.

“Public roads are not a place for dangerous stunts or displays,” ani Lacanilao.

“Every rider must prioritize safety in every trip because such activities can cause accidents and endanger other road users,” dagdag niya.

Naglabas din ang LTO ng show-cause order laban sa rider at rehistradong may-ari ng motorsiklo. Inaatasan silang dumalo sa pagdinig sa Nobyembre 27 sa tanggapan ng LTO sa East Avenue, Quezon City.

Inatasan din silang magsumite ng mga dokumento at sinumpaang salaysay upang ipaliwanag kung bakit hindi sila dapat managot sa reckless driving at kung bakit hindi dapat ideklarang hindi karapat-dapat magmaneho ang rider.

Naka-alarm din ang motorsiklo habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here