Home HOME BANNER STORY Marcos nanawagan ng pagkakaisa kontra illegal fishing sa APEC

Marcos nanawagan ng pagkakaisa kontra illegal fishing sa APEC

1
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng mas malawak na pagtutulungan ng mga bansa sa Asia-Pacific upang labanan ang ilegal, hindi iniuulat at hindi reguladong pangingisda.

Inihayag ito ng Pangulo sa kaniyang pagdalo sa 33rd Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting sa Shenzhen, China nitong Huwebes, Nobyembre 19.

Binigyang-diin ni Marcos ang pangangailangan ng sama-samang pagkilos upang matugunan ang ilegal na pangingisda at maisulong ang pangangalaga sa yamang-dagat.

Bukod dito, itinulak din ng Pangulo ang paggamit ng artificial intelligence (AI) upang mapabilis ang digital transformation ng micro, small and medium enterprises (MSMEs).

Isinulong din niya ang sustainable blue economy o responsableng paggamit at pangangalaga sa yamang-dagat bilang bahagi ng pagpapaunlad ng ekonomiya.

Muling tiniyak ni Marcos ang suporta ng Pilipinas sa isang pandaigdigang sistemang pangkalakalan na nakabatay sa mga napagkasunduang tuntunin.

Binigyang-diin din niya ang ASEAN Digital Economy Framework Agreement (DEFA), na natapos sa ilalim ng pamumuno ng Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Ayon sa Pangulo, mahalagang magkaroon ng konkretong pakinabang ang mga mamamayan mula sa mga talakayan sa APEC, kabilang ang paglikha ng trabaho, mas maayos na akses sa serbisyong pangkalusugan at paghahanda sa pagbabago ng populasyon at paglago ng silver economy.

Ang silver economy ay tumutukoy sa mga produkto, serbisyo at oportunidad na may kaugnayan sa pangangailangan ng mga nakatatanda. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here