Home HOME BANNER STORY Oil price rollback namumuro; tapyas P2.55 sa diesel, P2.15 sa gas

Oil price rollback namumuro; tapyas P2.55 sa diesel, P2.15 sa gas

2
0

MANILA, Philippines – Panibagong bawas-presyo sa produktong petrolyo ang posibleng salubungin ng mga motorista sa susunod na linggo, kung saan inaasahang bababa ng hanggang P2.55 kada litro ang diesel at P2.15 kada litro ang gasolina.

Batay sa pagtataya ni Jetti Petroleum President Leo Bellas nitong Biyernes, Nobyembre 20, posibleng magkaroon ng rollback na P2.35 hanggang P2.55 kada litro sa diesel.

Inaasahan naman ang bawas na P2.00 hanggang P2.15 kada litro sa gasolina.

Ayon kay Bellas, bumaba ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado dahil sa inaasahang labis na suplay at paghina ng demand.

Nangyari ito sa kabila ng patuloy na pangamba sa suplay ng langis bunsod ng tensyon sa Middle East at kawalan ng katiyakan sa muling pagbubukas ng Strait of Hormuz.

Binanggit din ng opisyal ang mga pag-atake sa mga barkong nagdadala ng langis at sa mga pasilidad ng enerhiya sa Saudi Arabia, gayundin ang patuloy na blockade ng Estados Unidos laban sa Iran, bilang mga panganib na maaaring makaapekto sa presyo ng petrolyo.

Kung matutuloy, ito na ang panibagong sunod na linggo ng pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa.

Matatandaang nitong Nobyembre 17, nagpatupad ng bawas-presyo na P3.80 kada litro sa diesel, P1.50 sa gasolina at P5.80 sa kerosene.

Karaniwang ipinapatupad tuwing Martes ang lingguhang pagbabago sa presyo ng petrolyo, kaya inaasahang magkakaroon ng bagong price adjustment sa Nobyembre 24.

Gayunman, wala pang inilalabas na pinal na anunsyo ang mga kumpanya ng langis tungkol sa eksaktong halaga ng rollback. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here