Home NATIONWIDE P355M pumping station, P500M street lights iniugnay kay Jinggoy — DPWH Engineer

P355M pumping station, P500M street lights iniugnay kay Jinggoy — DPWH Engineer

1
0

MANILA, Philippines – Isiniwalat ng isang engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na ang P355-milyong pumping stations at P500-milyong street light projects ay naka-tag umano kay Senador Jinggoy Estrada.

Sa bail hearing ng Sandiganbayan Fifth Division nitong Biyernes, Nobyembre 20, kaugnay ng plunder charge laban kay Estrada, tumestigo si DPWH engineer Carlo Rivera na tinawagan siya noong 2024 ni dating Bulacan First District engineer Henry Alcantara tungkol sa mga proyekto.

Ayon kay Rivera, inutusan siya ni Alcantara na maghanap ng mapaglalagyan ng pondo. Sinabi sa kanya ng isang DPWH section chief na puwedeng isingit ang P355 milyon para sa pumping stations.

Bukod dito, binigyan din siya ni Alcantara ng hiwalay na listahan ng P500 milyong solar street light projects para sa third district ng Bulacan, na ipinasa niya kay DPWH National Capital Region Director Gerard Opulencia.

Sinabi rin ni Rivera na pinaghahanda siya ni Alcantara ng P125 milyon at P88.75 milyon — 25% ng mga proyekto — bilang “commitments” na ipapadala.

Inamin niyang siya ang inatasan na mag-ayos ng commitment money mula sa mga contractor, na aniya’y mali.

Samantala, sinabi ni Edrick San Diego, driver at pamangkin ni Alcantara, na itinalaga siya bilang laboratory technician pero hindi niya kailanman ginampanan ang tungkulin.

Inutusan din umano siyang mag-deliver ng humigit-kumulang 10 kahon para kay DPWH Undersecretary Roberto Bernardo sa Diamond Hotel sa Maynila.

Tinawagan niya ang driver ni Bernardo na si Isko dela Fuente para tumulong magbaba ng mga kahon.

Sa nakaraang pagdinig, sinabi ng aide ni Bernardo na si Vergel Nino Garcia na sinamahan siya ni Dela Fuente sa pag-deliver ng mga kahon kay Estrada sa Artiaga Building sa San Juan City.

Huling araw na ng bail hearing nitong Biyernes. Binigyan ng korte ang prosecution ng 10 araw para maghain ng formal offer of evidence, at limang araw ang depensa para tumugon bago maglabas ng resolusyon sa bail petition ng senador. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here