Home NATIONWIDE PBBM nakakuha ng $87M investment pledge mula sa Chinese firm

PBBM nakakuha ng $87M investment pledge mula sa Chinese firm

3
0

MANILA, Philippines – NAKAKUHA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng paunang pangakong pamumuhunan na nagkakahalaga ng US$87 milyon mula sa kumpanyang C&U Group ng China sa sidelines ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting na ginaganap sa Shenzhen, China.

Gagamitin ang pondong ito sa pagpapaunlad ng isang 20-ektaryang pasilidad sa Alitagtag, Batangas.

Inaasahang, ito ang magiging pinakamalaking production base ng kumpanya sa labas ng Tsina at ang tanging pasilidad nito para sa pagmamanupaktura sa buong Timog-Silangang Asya.

“New manufacturing investments will create more employment opportunities for Filipinos, strengthen the country’s industrial capabilities, and position the Philippines as a key manufacturing hub in Southeast Asia,” ayon sa Presidential Communications Office (PCO) sa isang social media post.

Samantala, ang C&U Group, na kilala rin bilang Renben Group Co., Ltd., ay isa sa pinakamalalaking kompanya sa China na gumagawa ng mga bearing. Itinatag ito at nakabase sa Wenzhou, Zhejiang, China.

Gumagawa ang kompanya ng iba’t ibang uri ng bearing, tulad ng ball bearings, roller bearings, automotive bearings, at iba pang mga piyesa at sangkap na ginagamit sa mga makinarya at sasakyan.

“The investment underscores growing confidence in the Philippines as a destination for high-value manufacturing and international business operations,” ayon sa PCO. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here