Nagsagawa ng protesta ang mga miyembro ng women’s group na GABRIELA at mga kaalyadong organisasyon sa T.M. Kalaw Avenue sa Maynila noong Lunes, Nobyembre 9, laban sa nalalapit na pagbisita ni US President Donald Trump at sa panukalang Pax Silica initiative bago ang 49th
ASEAN Summit.Bitbit ang mga banner na nananawagan sa pag-alis ni Trump sa Pilipinas at sa pagtanggi sa Pax Silica, ang mga nagprotesta ay nagtaas ng mga alalahanin sa mga potensyal na banta sa mga lupaing ninuno, mga kabuhayang pang-agrikultura, at pambansang soberanya.Ang demonstrasyon ay bahagi ng isang serye ng mga protesta na binalak bago ang inaasahang pagdating ni Trump sa Nobyembre 16. ERIC OCAPAN
MANILA, Philippines – INAMIN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na naguguluhan siya sa malawakang mga kilos-protesta na isinagawa sa iba’t ibang bahagi ng bansa laban sa iminungkahing inisyatibong Pax Silica.
Sa kanyang pakikipag-usap sa mga mamamahayag, iginiit ni Pangulong Marcos na wala pang mga tiyak na probisyon tungkol sa Pax Silica dahil wala pa namang anumang kasunduang nilalagdaan kaugnay nito.
“I’m a little bit perplexed by the demonstrations in the Pax Silica because number one, there’s no deal yet,” ang sinabi ng Pangulo.
“If they are demonstrating against specific provisions, I don’t see that’s possible, there are no specific provisions. We haven’t done it yet,” aniya pa rin.
Sa pagbisita ni US President Donald Trump sa Pilipinas noong unang bahagi ng linggong ito, kapwa sinabi nina Pangulong Marcos at ni Lee Lipton, Embahador ng Estados Unidos sa Pilipinas, na wala pang nilalagdaang kasunduan kaugnay ng nasabing inisyatibo.
“There’ll be no signing,” ang sinabi ni Lipton.
“No, not on this trip. We are not doing it. We are not covering that on this trip,” ang tinuran naman ni Pangulong Marcos.
Matatandaang, inanunsyo noong Abril, ang inisyatibong Pax Silica ay isang programang pinangungunahan ng Estados Unidos na naglalayong bumuo ng isang network ng mga magkakamping bansa para sa suplay ng mahahalagang teknolohiya at mineral. Ang Pilipinas ang magiging punong-abala sa naturang inisyatibo sa New Clark City sa Tarlac. KRIS JOSE