Home HOME BANNER STORY Piso, bumagsak sa P63.81 kada dolyar

Piso, bumagsak sa P63.81 kada dolyar

1
0

MANILA, Philippines – Humina ang halaga ng piso kontra dolyar sa pagsasara ng kalakalan nitong Biyernes, kasabay ng pagbagsak ng Philippine Stock Exchange index (PSEi) sa pinakamababang antas nito sa mahigit anim na taon.

Bumaba ng 14.5 sentimos ang piso at nagsara sa P63.81 kada dolyar, mula sa P63.665 noong Huwebes.

Ayon kay Rizal Commercial Banking Corp. chief economist Michael Ricafort, nakaapekto sa piso ang pagbaba ng PSEi ng 170.93 puntos o 3.1 porsiyento, hanggang 5,306.98 puntos.

Ito na ang pinakamababang pagsasara ng stock market sa loob ng mahigit anim at kalahating taon, bunsod ng matinding bentahan ng mga pangunahing stock na nagpahina sa kumpiyansa ng mga mamumuhunan.

Dagdag pa sa pressure sa piso ang paglakas ng dolyar laban sa iba pang pangunahing currency sa mundo, kasunod ng mga pahayag ng ilang opisyal ng US Federal Reserve na nagpapahiwatig ng posibleng pagpapanatili ng mahigpit na polisiya sa pananalapi. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here