Home NATIONWIDE PBBM, di papalitan economic team sa kabila ng kasalukuyang takbo ng ekonomiya

PBBM, di papalitan economic team sa kabila ng kasalukuyang takbo ng ekonomiya

4
0

MANILA, Philippines – Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mananatili sa puwesto ang kanyang economic team sa kabila ng kasalukuyang performance ng ekonomiya ng bansa.

Sa panayam sa media nitong Biyernes, Nobyembre 20, tinutulan ni Marcos ang panawagan ni Senador Panfilo Lacson na muling pag-isipan ang komposisyon ng kanyang economic team.

“I disagree with him, I’m sorry, but I disagree with him. All the difficulties we’re going under can be clearly directly traced to the war in Iran,” pahayag ng Pangulo, na tumutukoy sa epekto ng digmaan sa paglago ng ekonomiya.

Nilinaw din ni Marcos na hindi niya itinuturing na Cabinet shuffle ang mga kamakailang pagbabago sa kanyang gabinete.

Ayon sa Pangulo, may kanya-kanyang dahilan ang bawat paglipat ng mga opisyal at layunin nitong mailagay ang mga taong may angkop na kakayahan sa mga posisyong mas makatutugon sa mga pangangailangan ng kani-kanilang departamento.

“We’re trying to put the best people to the best use because issues come up that didn’t exist before in certain departments,” aniya.

Dagdag pa niya, isinasaalang-alang din sa mga pagbabago ang mga plano at prayoridad ng administrasyon sa hinaharap.

Binigyang-diin ni Marcos na hindi nangangahulugan ng kawalan ng katatagan sa pamahalaan ang paglilipat ng isang miyembro ng gabinete sa ibang posisyon. Aniya, nagbabago rin ang mga responsibilidad ng mga kalihim batay sa mga pangyayari sa mundo at sa ebolusyon ng mga plano ng administrasyon. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here