Home NATIONWIDE PBBM, nakipagpulong sa mga lider ng iba’t ibang bansa sa APEC Summit...

PBBM, nakipagpulong sa mga lider ng iba’t ibang bansa sa APEC Summit sa China

1
0

MANILA, Philippines – Sinulit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagdalo sa 33rd Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Meeting sa Shenzhen, China sa pamamagitan ng sunod-sunod na pakikipagpulong sa mga lider ng iba’t ibang bansa at mga kinatawan ng mga negosyo.

Ayon sa Pangulo, layunin ng mga pulong na makahanap ng mga bagong katuwang sa buong mundo upang mapalawak ang negosyo at kalakalan at makatulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas.

Kabilang sa mga nakapulong niya nang magkakahiwalay sina New Zealand Prime Minister Christopher Luxon, Vietnamese President To Lam at Mexican President Claudia Sheinbaum.

Nagsagawa rin siya ng bilateral meetings kasama sina Chilean President Jose Antonio Kast, Peruvian President Keiko Fujimori at Papua New Guinea Prime Minister James Marape.

Noong nakaraang Biyernes, nakipagpulong din si Marcos sa mga kinatawan ng mga kumpanyang Tsino na C&U Group, na nasa manufacturing industry; BYD Company Limited, isang gumagawa ng electric vehicles; at Ming Yang Smart Energy Group Limited, na nakatuon sa clean energy technology. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here