Home TOP STORIES US cyber security chief, sinibak ni Trump sa puwesto

US cyber security chief, sinibak ni Trump sa puwesto

1
0

MANILA, Philippines – Sinibak ni US President Donald Trump sa puwesto si National Cyber Director Sean Cairncross kasunod ng malawakang pagkaantala ng ilang serbisyo at lumalaking pangamba sa mga banta ng artificial intelligence (AI).

Ayon sa isang source na malapit sa White House, sinuportahan ni Trump ang pagtanggal kay Cairncross dahil umano sa kakulangan nito ng mga kinakailangang kwalipikasyon para sa trabaho.

Pansamantalang hahalili sa kanya si Kirsten Davies, kasalukuyang Chief Information Officer ng US Department of Defense, na may mas angkop umanong kwalipikasyon at kinumpirma na rin ng Senado.

Sa mga nakalipas na araw at linggo, nagkaroon ng malawakang pagkaantala sa ilang serbisyo sa United States na nakaapekto sa biyahe, komunikasyon at online commerce. Naapektuhan din ang isang top-secret internal communications network ng National Security Agency.

Bago naging National Cyber Director, nagsilbi si Cairncross sa iba’t ibang posisyon sa White House noong unang termino ni Trump. Naging chief operating officer din siya ng Republican National Committee noong 2016 election cycle. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here