Home METRO 3 sakay ng truck, sugatan matapos mahulog sa bangin sa Antipolo

3 sakay ng truck, sugatan matapos mahulog sa bangin sa Antipolo

1
0

ANTIPOLO CITY, Philippines – Sugatan ang tatlong sakay ng isang truck matapos itong mahulog sa bangin sa Barangay San Jose, Antipolo City.

Ayon sa ulat nitong Biyernes, isinugod sa ospital ang tatlong biktima at kasalukuyan nang nagpapagaling.

Batay sa paunang imbestigasyon, nawalan umano ng preno ang truck bago bumangga sa harang sa gilid ng kalsada at sa isang nakaparadang motorsiklo, saka tuluyang nahulog sa bangin.

Gumamit umano ng navigation app ang driver na nagdala sa kanila sa naturang lugar.

Hindi rin umano alam ng mga sakay na bawal dumaan ang mga truck sa naturang kalsada.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here