Mga Kapuso, Kapamilya, at Kapatid! May bagong pasabog galing sa mga underground marites. Atin-atin na lang muna.
Akala natin ay pagkatapos ng isang kontrobersyal na issue with a trusted Tita ay makakapanahimik na ang ating magandang A-list Actress. Well, think again, mga beh! Mukhang may balik agad na curse sa buhay ni Famous Actress dahil kadugo na n’ya ang kanyang problem ngayon!
Kasi naman, umuugong ang chika—at take note, may mga eyewitnesses!—tungkol naman sa kanyang sariling Madir!
Ayon sa ating mga source sa loob ng isang kilala at napakaluxurious na casino resort sa Manila (basta ang pangalan nito katunog ng solusyon sa mahal na Meralco bill… gets niyo na?), suki pala roon si Madame Madir!
At hindi lang basta palamig at casino-style dining ang ginagawa ni Madir! Talagang addicted to the core pala ito sa gambling!
Pero eto ang tunay na nakakaloka, mga beh: Hindi lang pala simpleng sugal ang pinasok ni Madame Madir. Ang chismis ay LUBOG NA SI MADIR SA NAKAKAGIMBAL NA MILLIONS AND MILLIONS GAMBLING DEBT!
O, ‘di ba?! MILLIONS OF PESOSES! Nakaka-OMG levels mga beh!
Hanggang kailan kaya sasaluhin ni Famous Actress ang luho at mga utang na ito? Karma is a b*tch matinde na ba ito? Pagkatapos ng isang issue ay eto naman ngayon ang sariling Madir na tila dinodonate lang sa casino ang ipon at lupain ni Famous Actress. Kawawa naman. Parang kasalanan n’ya na ganyan ang kanyang madir. RNT