Home NATIONWIDE Silangang bahagi ng Northern, Central Luzon uulanin sa shear line

Silangang bahagi ng Northern, Central Luzon uulanin sa shear line

1
0

MANILA, Philippines – Makararanas ng maulap na kalangitan na may mga kalat-kalat na pag-ulan ang Mainland Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, at Aurora ngayong Linggo, Nobyembre 22 dahil sa shear line.

Ayon sa PAGASA, ang Caraga, Davao Region, at Southern Leyte ay magkakaroon din ng kaparehong lagay ng panahon ngunit dahil naman sa ITCZ.

Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm din ang inaasahan sa Quezon dahil naman sa easterlies.

Ang nalalabing bahagi ng Cagayan Valley at nalalabing bahagi ng Cordillera Administrative Region ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan dahil sa Amihan.

Samantala, ang Ilocos Region ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains dahil din sa Amihan.

Habang ang nalalabing bahagi ng Mindanao ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa ITCZ, at easterlies naman sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here