Home HOME BANNER STORY Flood control case ni Romualdez kayang tapusin ng isang taon – Ombudsman

Flood control case ni Romualdez kayang tapusin ng isang taon – Ombudsman

1
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla nitong Sabado, Nobyembre 21, na kayang matapos sa loob ng isang taon ang kaso ni dating House speaker Martin Romualdez.

Ito ay kasunod ng pagsuko ng isa sa co-accused nito sa mga awtoridad.

Si Samchan Foreign Exchange Corp. President Felicito Guevarra, co-accused ni Romualdez at dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co, ay sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) matapos na kanselahin ang kanyang pasaporte.

Ani Remulla, ibinalik ni Guevarra ang P324 milyon sa pamahalaan. Ito umano ang nakuha mula sa mga komisyon na kinita nito sa mga transaksyon.

“Money changer yun, yun yun komisyon niya sa transaction. Testifying siya ngayon. Kaya we’re looking at the case now, of the former speaker, parang kung talagang bail hearing ang kanilang habol, ang sinasabi ko, let’s present our evidence in chief already. Tapusin na natin ‘to,” sinabi ni Remulla.

“I signed an immunity agreement already. Talagang state witness na yun… Witness for the Ombudsman yan,” dagdag pa niya.

Umaasa si Remulla na matatapos nila ang kaso sa “record time,” at hindi nais ang anumang delaying tactics.

“Pero within a one year period. Pwedeng tapusin namin yung case namin. Kasi umaabot yan ng 15 years nung nakaraan. Nagyon, kasi we’re ready before we file, ready kami magpresent ng evidence,” ani Remulla.

Si Romualdez at Co ay nahaharap sa P7.44 bilyong plunder case na may kaugnayan sa flood control scam, kung saan ang mga mambabatas at opisyal umano ay naglilipat ng pampublikong pondo sa bogus infrastructure projects.

Itinanggi naman ng mga ito ang alegasyon laban sa kanila. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here